Ala-ala ng kabataan
Noong araw, hindi kami pinalalabas ng bahay ng lola namin tuwing umuulan, habang ang mga kalaro namin ay nasa labas, naliligo at nagsasaya. Ayaw niyang naglalaro kami sa ulan, baka raw magkasakit kami. Kaya sa mga panahong ito, kailangang mag-isip ng magagawa para hindi kami mabored ng husto. Ilan ito sa mga ginagawa namin noong araw.
[photopress
SC04193.JPG,thumb,center] [photopress
SC04194.JPG,thumb,centered]
Hindi ko alam kung ginagawa ito ng ibang bata. Pero napagtritripan namin ang mga ipit sa sampayan ng lola ko. Ginagawa naming robot, eroplano o di kaya ay building. Iba ang kasiyahang naidudulot ng ipit na robot kumpara sa robot na gawa mula sa lego at mega blocks. Palakihan ng magagawang robot ang trip naming magkakapatid. Pinag-aaway namin ang mga robot na ‘to hanggang sa masira. Pagkatapos, gagawa na naman ng bago na sasabak sa labanan ng mga kampo.
Adik na ako kahit noong bata pa lang ako. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko, at ginagawa ko rin naman ang mga ito. Ginawa kong bus ang mga upuan namin sa dining room. Ginawa rin namin itong bahay-bahayan ng kapatid ko. Nakapaglaro na rin ako ng putik. Gusto ko kasing gumawa noon ng cake mula sa putik. Nanghuli rin ako ng butete dahil inakala kong isda ito, malusog lang kaya ganun ang itsura nila. Di ko inakalang tutubuan pala ng mga paa ang mga isdang iyon.
Related Posts
Tagged with: Bata












































hehehe I remember this one from my childhood days. Pinapagalitan ako ng mother ko kasi ginagawa kong spaceship ang mga kimpit
Ayos to. Reminiscing ng childhood days
Naalala niyo pa ba kung anong itsura ng sungka? Kahoy siya na palapad. Tapos, tinataliaan ko ng karate belt ang sungka at sinasampay ko yung belt sa balikat ko habang hawak ang aking sungka? At sa mundo ko, ako si
John Rambo! Yari sa ‘kin lahat ng mga nakakalaban ko.
Ayos!
Salamat,
Lester
ay, oo nga! I remember doing this too… I’m a girl, pero saya talaga ng mga robots na gawa sa sipit ng sampayan… hehehe… as in…. kasi naman, halos lahat ng batang kapitbahay namin na kasing edad ko nung bata pako eh lalaki… ahay… pero totoo, masaya nga ‘to.. lalo na kung ayaw mong makalburo sa panunood ng TV….
I used to play this too! hahaha! those were the crazy days!
….oo waaa na alala ko pa inipit ko ung tenga ng kapit bahay namin wajejeje