Grade School Chronicles: Grade One
August 13, 2007 | Author: Winston | Filed under: Blog
Visited 156 times, 1 so far today
Mga bagay-bagay na naaalala ko pa nung ako’y nasa grade 1
- nasa grade 1 section acacia ako. first room na nasa harap ng main gate ng school namin.
- sa labas ng school ay may nakatayong malaking puno ng akasya.
- naging biro namin na may nakatirang mga lamang lupa sa punong iyon dahil sa tanda nito
- ang teacher namin ay si Bb. Lydia Ermac
- napagalitan ako sa unang araw ng pasukan dahil pinaiyak ko ang kaklase ko na nakaupo sa harapan ko. Napag-tripan ko yung rubber band sa buhok niya. Uso kasi ang rubber band nung mga panahong ‘yon.
- minsan dumalaw ang tita ko sa room para ibigay ang baon ko. Nagse-spelling quiz nung mga panahong yun. Tinanong ko ang tita ko kung ano ang spelling ng Philippines. Binigay niya naman ito.
- uso sa grade 1 ang class bully
- grade 1 pa lang, parati na akong late. Kaya ang ginawa ng tita ko, pina-car-pool (na tricycle) niya ako. May isang beses na ako ang pinakaunang dumating sa klase.
- ang palikuran ay para sa mga babae at guro lamang. Kung naiihi si junior, kailangan mong mag-excuse-me-maam-may-I-go-out at tumakbo sa pader na malapit sa gate at dun mo gagawin ang tawag ng kalikasan.
- may naglalako ng tinapay at ice candy sa klase kaya hindi na kami pinalalabas tuwing recess
- pakiramdam ko, ako ang teacher’s pet ni maam. binigyan niya ako ng pasalubong nung umuwi siya ng Bohol nung Pasko.
- tumae ang isang kaklase ko. Si Noriel
- partner ko si Noriel sa reading session. Hindi siya marunong magbasa. Sinabi ni Maam na paluin daw ang hindi marunong magbasa. Dahil masunurin ako, pinalo ko naman siya.
- Text cards, rubber band at holen ang favorite game ng mga bata.
- Tinatabi kami ng isa kong schoolmate na si Karen tuwing flag ceremony para makita ng mga kaklase kong walang magawa kung sino ang mas maputi sa aming dalaw.
- Pinaguhit kami ng Mt. Mayon pero binalik at pinaulit ni maam ang ginawa ko. Ginamitan ko ito ng ruler at nagmukhang pyramid ang Mt. Mayon
- Nainggit ako sa isang kaklase ko dahil maraming banana at coconut trees ang kanyang ginuhit na bundok.
This blog supports Wika 2007.Related Posts
Popular Posts
- Batang Yagit in PBA '08 (105)
- Yagit is now an Engineer (87)
- Batang Yagit para sa PBA Bloggers' Choice Award (78)
- DigitalFilipino.com Club and Bloggers Networking Event in Cebu (57)
- Living the Bisaya way - My first week in Cebu (49)
Tagged with: Blog
feel free to leave a comment
Comment Guidelines: Basic XHTML is allowed (a href, strong, em, code). All line breaks and paragraphs are automatically generated. Off-topic or inappropriate comments will be edited or deleted. Email addresses will never be published. Keep it PG-13 people!
XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
All fields marked with " * " are required.
















































3 people have left comments
Bata ka pa lang… engineer na ang dating ha… ginamitan talaga ng ruler ang Mount Mayon? HAHA!
[Reply]
oo nga noh? di ko napansin yun ah. hahahaha
[Reply]
Saan na kaya si Noriel? May kaklase din akong ganyan si Anthony… secret na lang ang last name. heheh.
[Reply]