Get updates from Batang Yagit. Subscribe to my feeds for FREE.
Powered by MaxBlogPress 

Recent Posts

Recent Comments

  • debz957:Charmus! Hahaha… God bless the...
  • rej:i agree with migs.. ur post doesn’t...
  • iceman9:@ MiGs Nothing more but i agree! may...
  • MiGs:Comparing Davao to Cebu maybe like...
  • MiGs:Comparing Davao to Cebu maybe like...

Archives

Recent Visitors

Fearured Blog



Personal - Top Blogs Philippines
Feeds

Ang bestpren kong bigatin (Biga10)

June 12, 2007 | Author: Winston | Filed under: Ateneo, Bata, Funny, People, Travel, Trip
Visited 156 times, 3 so far today

Kakaiba talaga ang araw na ‘to. Pero bago ko ikekwento yung mga nangyari ngayong araw na to, mas mabuti siguro na malaman nyo muna yung pinaggagawa ko pagkatapos ng dalawang araw at isang gabing pananatili sa pine city.

Noong pangalawang araw naman namin. Namasyal ng konti tas we spent most of the day on our bus seat. Nakakasakit nga sa pwet eh. Pero dumaan kami ng Luisita sa Tarlac para tingnan yung factory ng Sanyo Capacitors. Ngayon ko lang narealiz na nasa kabundukan pala matatagpuan ang mga hi-tech na facilities. Nung dumating naman kami sa Maynila, nag-check-in kami sa isang hotel malapit sa LRT station sa Buendia. Asteeg, 3-star hotel daw itong hotel na ito (Kahit na hindi ko nararamdaman yung pressence ng tatlong tala). Nasa 20th floor yung room namin. Kaso, malaking problema yung availability ng elevator. Isipin nyo, kailangan mong maghintay ng mga 15 minuto para sa dalawang minutong sakay sa elevator. Inisip ko tuloy kung titira ako sa malaking building, kailangan ko pang umalis ng maaga. Para atang jeepney ang aantayin ko. Hehehe

Kaya nung mag-umaga, 7am daw call time namin. Kaya umalis ako ng 6:50 sa room namin. Malay ko ba at aabutin ng 15 minutes yung elevator ride ko. Sa school nga namin, wala pang 3 minuto, makakasakay ka na ng elevator. So kaya ayun, late daw ang bata kaya ang kaparusahan…magpapakain ng ice cream. But na lang at hindi lang ako ang nalate. sobra ata kalahati ng grupo ang late. hehehe

After having breakfast, diretso na kami sa studio. Studio tour agad yung ginawa namin. Wala kaming nakitang artista eh pero pumasok kami sa mga studio nila. Nakita rin namin yung facilities nila. Kaya after nung tour, pinastay muna kami sa canteen kasi 11a.m. pa raw papapasukin sa loob ng wowowee studio. Tatawagin lang daw kami. Ako naman, nagplaplano na kung ano ang gagawin at saan pwepwesto. Baka ma-”Most Unforgettable Experience” pa ako dito, mahirap na.

Matapos ang paghihintay namin, pinapasok na kami ng studio. Waw. Ang haba ng pila. Akala ko ba VIP kami dito. Hehehehe. Nung makarating na kami sa pasukan, pinagkukuha na ng mga guards yung dala dala namin tubig. At di lang basta hiningi o kinuha, tinapon pa ito sa ilalim hagdan kung saan nakakalat ang marami pang mga pagkain at inumin. Bawal daw kasi sa loob ng studio. Kaso bastos yung pagkakagawa nila ng pagkuha ng pagkain. Para bang basura itong tinatapon sa sahig at kokolektahin ng mamang basurero pagkatapos kunan ng mga pagkain ang lahat ng tao. Hahay. Kaya nga ayoko ng mga lugar na to, lalo lang akong nagmumukhang yagit.

Nung malapit na kami sa studio, may mga naglilibot na mga marshalls. Etong si Manong Marshall, nakakaasar din. mUna, nagtatanong siya kung taga-saan daw kami. Sabi namin Ateneo de Davao. Sinabi niya naman, “ahhh mga bisaya diay mo?” “Opo” “Anong sinakyan niyo, barko?” “Eroplano po”. Ako naman, lalong nagngingitngit sa galit. Eh ano kung taga-Davao kami, di ba kami makaka-afford mag eroplano. Hirit pa ng isang kasama namin. “We could even hire our own private jets”. Naalala ko tuloy yung isang kaklase ko na anak ng isang congressman at galing sa isang sikat at mamahaling skwelahan sa Maynila na lumipat ng ADDU kasi nilait siya ng kaklase nya at nagtanong ng “Do you ride carabaos in Davao”. Hahay. Pero natuwa na rin ako kay Manong kasi napansin niya ang bestpren kong si Matet. Sinabi niya, “Oh, tatawagin ka ni Willie mamaya“. O diba. Ok lang. Para kay Matet, magandang exposure yun. hehehe

Nung makapasok na kami sa studio, sinigurado kong hindi ko makakatabi si Matet. Mahirap ng mapansin at baka pagsayawin ako ng adududu-adadada ng wala sa oras. Naghanap rin ako ng pwesto kung saan hindi ako matatamaan ng camera kung dadaan ang camera sa side namin. Ayos. Nakapwesto ako. Maganda rin ang suot kong shirt kasi kulay pula ito at nangingitim kung walang light na tumatama. Parang sillouette lang ako sa TV.

Kaya nung magkapilian na, agad2x naming tinuro si Matet. Si Matet naman, na nakapagpractice ng ilang linggo sa pagsasayaw, eh cool na cool sa ginawa namin. Agad agad siyang bumaba para sumayaw. Sayang at hindi ko ito na-video kasi bawal gamitin ang camcorder sa loob ng studio. Pinagsayaw si matet ng adududu-adadada hahahaaay. At dahil babae sya at nagustuhan siya ni Willie (Walang malisya, promise!) kaya pinasayaw uli sya ng super sexy version. Walang pagdadalawang isip namang ginawa ito ni Matet. Halatang nakapagpractice ito ng ilang linggo. Talagang pinaghandaan niya ito. “Matet, ikaw ang BIGATIN ng Davao” Ayos! Napili yung ‘bata’ namin. Cheer lang kami ng Cheer. Para lalong matuwa si Willie. Sayang din ang balato pag hindi makuha si Matet.

At ang promising question, “Kung ang What sa tagalog ay ano, ano naman ang Who?” Telelelelelet! “Ahmmm, ahmmm…” sa puntong ito, nanginginig ang boses ni matet. Halatang kinakabahan sa susunod na mangyayari. “Shet” ang nasabi niya sa sarili. “Hindi ako nakapagreview”. Saglit ng segundo hinanap ni matet ang kanyang sarili sa kawalan. Pinakiramdaman niya ang paligid, ang mga tao. Kabado ang pakiramdam nya, nanginginig ang malulusog nyang mga tuhod at tumutulo ang pawis mula sa kanyang KATAWAN. Sa kakaunting panahong iyon, nabuo nya uli ang kanyang sarili mula sa pagkakalugmok sa kawalan. “Sino?” “Tama ka! Sampung Libo para sa ‘yo”

Ayos! May sampung libo agad. May magpapakain mamaya. Eto yung first talent fee ni Matet. Ok diba?

Related Posts

Popular Posts

Tagged with: , , , , ,

Do you like that post? Subscribe to Batang Yagit now.
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Share and Enjoy: These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • blinkbits
  • BlinkList
  • Bumpzee
  • DZone
  • Furl
  • Live
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb
  • blogmarks
  • BlogMemes
  • co.mments
  • DotNetKicks
  • e-mail
  • eKudos
  • Fark
  • feedmelinks
  • Linkter
  • Ma.gnolia
  • MyShare
  • Netvouz
  • PlugIM
  • PopCurrent
  • ppnow
  • Scoopeo
  • scuttle
  • Shadows
  • Simpy
  • Smarking
  • Spurl
  • Taggly
  • TailRank
  • ThisNext
  • Wists
  • Yigg
xygoxen

11 people have left comments

funny!!! hehehe.. parang nagtanong lang siya ng SINO??? tapos may 10k na agad! bwahahahaha!!!

Jehzeel Laurente wrote on June 12, 2007 - 9:21 am | Visit Link

hahahaha! pwede maging unforgettable yan ah! hehehehe… SINO???? kinabahan pa siya sa SINO??? hehehe.. balato naman dyan! hehehehe… ^__~

jemme wrote on June 12, 2007 - 9:22 am | Visit Link

wins.. yung Recto to UST experience natin post mo din.. bwahahahaha! RUSH HOUR yun eh… :)

Jehzeel Laurente wrote on June 12, 2007 - 9:22 am | Visit Link

@jehzeel : oo mamaya gagawan ko yung Recto-Espana experience natin. hehehehe

@jemme : oo nga po eh, ayaw magbalato. anong gagawin natin sa kanya? hmmmm….

Batang Yagit wrote on June 12, 2007 - 9:30 am | Visit Link

wahahaha…sana napanood ko ung episode na yun…hehehe

pre wrote on June 12, 2007 - 12:48 pm | Visit Link

pakain natin sa buwaya! bwahahah! joke lang po ^_^

jemme wrote on June 12, 2007 - 7:29 pm | Visit Link

SABI KO NA NGA BA! NAPANOOD KO YUN! Kasi naman nung narinig ko meron daw mga taga ateneo de davao sa wowowee eh kumaripas agad ako sa tv at ayun!

Wahaahha para ngang nakita kita don eeh! XD

Japboy wrote on June 12, 2007 - 8:13 pm | Visit Link

@japboy : malamang po di ako yun. Di naman ako nagpakita sa camera. iniiwasan ko pa nga eh. hehehe

Batang Yagit wrote on June 13, 2007 - 12:01 am | Visit Link

Wow naman. Mabenta ang bestpren kong bigatin sa davablogs ah. top2 agad. kanina ko pa lang napost. hehehehe. salamat sa mga dumalaw at nakiusyoso

Batang Yagit wrote on June 13, 2007 - 12:06 am | Visit Link

Just added you to my ViralTag kabayan - hope you add me too :) And I faved your blog too - please fave my site too! I’m at http://www.anitokid.blogspot.com

And oh! My 1st-yr anniversary as a blogger is just around the corner. Please join the AnitoKid Anniversary Review and get a chance to win US$100! Details are at
http://anitokid.blogspot.com/2007/06/win-100-in-anitokid-anniversary-review.html

More power! Mabuhay!

THE ANiTOKiD wrote on June 14, 2007 - 11:09 am | Visit Link

hahaha. nakita ko ang episode na yan. pinalabas nung time na enrollment ng incoming second year students.

and yeah, annoying talaga ang ibang taga-Manila. yung kaibigan ko nga tinanong kung may TV ba raw dito. hehe.

J.P. Ferolino Abrina wrote on June 28, 2007 - 10:59 pm | Visit Link

feel free to leave a comment

Comment Guidelines: Basic XHTML is allowed (a href, strong, em, code). All line breaks and paragraphs are automatically generated. Off-topic or inappropriate comments will be edited or deleted. Email addresses will never be published. Keep it PG-13 people!

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

All fields marked with " * " are required.

tracker