Abala sa pag-aayos ng buhok
November 13, 2007 | Author: Winston | Filed under: Gawain, Health and Fitness
Visited 222 times, 3 so far today
Kakarating ko lang ng bahay at buhok agad ang inatupag ko. Nagpagupit ako kanina sa mall at medyo bago ang style ng buhok ko. Medyo matagal na rin akong hindi gumagamit ng gel, wax at gum sa pag-aayos ng buhok ko. Sa loob ng dalawang taon, yung tipong suklay lang eh ayos na ayos na.
Medyo manipis ang buhok kaya nagkakaroon ako ng problema tuwing iniiklian ang haba ng buhok ko. Bumabagsak ito at mahirap ayusin. Napansin naman agad ito ng taga-gupit. Kaya nilagyan niya ng kaunting “texture” ang buhok ko. Ang ibig sabihin, may ginawa siyang hokus pokus para magmukhang makapal ang buhok ko. Pagkatapos gupitan, tinuruan niya ako kung pano ayusing ang buhok ko. Gumamit siya ng hair gum sa pag-aayos.
Pagkatapos kong magpagupit, pumunta agad ako sa Watson’s para bumili ng hair gum. At dahil tig-1,100.00 pesos ang ginamit niyang hair gum sa buhok ko, at dahil wala akong balak na bumili ng ganoong kamahal ng pampaarte ng buhok, hair wax na lang ang kinuha ko.
At dahil excited, pagkagaling ko ng gym, agad-agad kong binuksan ang binili kong hair wax. Sinubukan kong ayusing ang buhok ko. Ok naman siya. Mas pangit nga lang kumpara sa ayos ng gumupit sa akin pero ok na rin. At dahil naligo ako sa gym at tuyo na ang buhok ko pagkadating ng bahay, saktong-sakto ang set-up ng buhok ko para ayusan. Kailangang magpraktis muna para hindi magkagulo ang buhay ko bukas ng umaga.
Yun lang muna sa ngayon dahil ako’y matutulog na.
» Subscribe to Batang Yagit’s Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter
Other Posts
Popular Posts
- Living the Bisaya way - My first week in Cebu (49)
- I want to meet bloggers from Cebu (31)
- Barbeque at Larsian's (27)
- Bagong blog, bagong disenyo (26)
- Sino ang kamukha ng taong 'to? (23)
feel free to leave a comment
Comment Guidelines: Basic XHTML is allowed (a href, strong, em, code). All line breaks and paragraphs are automatically generated. Off-topic or inappropriate comments will be edited or deleted. Email addresses will never be published. Keep it PG-13 people!
XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
All fields marked with " * " are required.

















































4 people have left comments
you’re VAIN ha ha ha ha ha ha
ssshhhhhhhhhhh WALA KASI ako niyan eh…..ha ha ah aha a ha ha he he
P.S
Don’t release yet wait for my confirmation.
hay naku!! thats all thank yu~!
YOU ARE VAIN I TELL YOU!!!