Happy Birthday Phone

Happy 1st birthday N82
Isang taon na pala mula nung mapasaakin si Nica, ang aking N82. Naalala ko lang ang kaarawan ng aking cellepono dahil papalapit na naman ang Philippine Blog Awards. Blog awards din kasi nung nakuha ko si N82. September 21 nun. Yung lumang K608i pa lamang ang cellepono ko nung mga panahong yun.
Hindi ko alam na yung gabing yun ng Awards Night, mabibiyaan ako ng bagong cellepono. Asa pa ako eh yung Tech Blog ko nga ay hindi nakuha sa Best Technology Blog category. Bat pa ako aasa na mabibigyan ako ng Nokia ng cellepono. Gulat na lang ako nung nalaman kong may kasama palang premyo ang nakuha kong award.

Nica the N82 and her cousin N95
Pero hindi pa nag-uumpisa ang kwento kung pano ko nakuha si Nica, ang aking N82. Ang pinsan niyang N95 lang sana ang aking makukuha. Pero, yung bumoto kay Batang Yagit para sa Bloggers’ Choice Award ang nanalo sa raffle ng Nokia at dun ko unang nahawakan ang aking N82. Dahil gustong gusto ko talaga ang N82, pinakiusapan ko ang aking kaibigan na magpalit kami ng cellepono at pumayag naman siya. At nung araw ding iyon napa-saakin si Nica N82.
Related Posts












































wow nice story of nica. sana makalusot din ako sa PEBA hehehe! baka meron din N Series!
‘grats.
LOL! Di ko alam Nica pangalan niya haha
hahahaha… ang basa ko kanina Mica.. Nica pala.. wahehehe.
wow idol na kita hahahha galing nyo tlga ni jehzlau

nukz. ^^ thanks pow