Kapitan Sino ni Bob Ong

Kapitan Sino by Bob Ong

At lumabas na naman ang panibagong kalokohan ni Bob Ong.  Mula sa kwentong chalk, kwetong barbero, kwentong pulitiko, kwentong gubat, kwentong multo, kwentong basag-ulo, at ngayon naman ang pinakabagong gawa niya.. ang kwentong super hero, Kapitan Sino.

Kung sinubaybayan ninyo ang kwentong yagit ni Batang Yagit, marahil ang napansin ninyong ilang beses ko na ring nabanggit si uncle Bob sa aking mga blog post. Karamihan sa ito ay mga katutuwaan at mga walang kwentang posts na kakaunting tao lamang ang interisadong bumasa. Kasama sa mga walang kwentang posts na ito ang mga Photos para kay Bob Ong, mga libro ni bob ong na binili ko, at ibang mga instances na hindi ko na mahnap.

Nasa kwentong chalk pa lang si Uncle Bob, nakahiligan ko ng basahin ang libro niya. In fact, ang paboritong libro ko ay ang ABNKKBSNPLAko? High school pa lang ako nung una kong nameet si Uncle Bob. Hindi pa tumataas sa 175.00 ang libro niya that time. Sa naaalala ko, nasa 110.00 pesos pa lang ang libro niya.  High school rin nung binili ko ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? Tuwang-tuwa ako habang tinitingnan ako ng mga tao sa loob ng MRT habang nagbabasa ng libro ng pabaliktad.  Yung Stainless Longganisa at ang paboritong libro ni Hudas naman ay hiniram ko lang mula kay kaibigang Jacqui na isa ring adik pagdating kay Uncle Bob.

Hindi ko na gaanong nagustuhan ang mga sumunod na mga libro ni Uncle Bob. Parang ok lang na hindi. Yung huli nga eh parang kwento lang sa maalaala mo kaya. Ang emo. At yung kwentong gubat naman na sobrang weird.

Anyway, hindi ko pa natatapos basahin ang Kapitan Sino. Nasa parte pa lang ako ng pagbabasa. Natuwa naman ako sa mga nababasa ko kasi ilang beses rin binanggit si yagit sa mga salita ng mga tau-tauhan sa kwento. May isang parte pa dun na hawig sa pananalita ni Kuya Jehz. Yung parte kung san nagsinungaling si Rogelio tungkol sa tights na costume na ginawa ng kaibigan niya para sa kanya.

At dahil nabanggit na lang din natin ang tungkol sa mga libro, nananawagan mo ako sa mga humiram ng kopya ko ng Bob Ong books. Hindi ko na kasi makita at maaalala kung sino man yung mga humiram.