Mga hiling ni Batang Yagit ngayong pasko

Hindi ko namalayan, magpapasko na pala. Naging abala ako sa iba’t ibang bagay at hindi ko na namalayang ika-24 na pala ng Disyembre. Ilang oras na lang ang aantayin ko at kakain na naman ako sa kaunting salu-salo ng aming pamilya.

Gaya ng ibang batang yagit sa mga kalye, may inihanda rin akong wish-list para ngayong pasko. Inaantay ko ang butihing Santa na tutupad sa mga kahilingan kong ito.

  1. HP Pavillion DV2614TX

    Feature-packed ang laptop na to. Maganda at mabilis. Kaso may kamahalan.

  2. Apple Earbuds

    Kanina lang eh nalaman kong nasira pala ang Earbuds ng iPod ko. Nakakalungkot kasi mahal ko pa naman ang headphone na ito. Oo, mahal nga ‘to. Nasa P1700 ang isang pares nito. huhuhuhu

  3. Sony Ericcson P1i

    Crush na crush ko ang phone na ‘to. Symbian na Sony Ericsson. Ito ang pinakapaborito ko sa mga P-series ng Sony Ericsson. Gumagana pa naman ang K608i ko kaya ok lang.

  4. PSP Slim

    Bagay na bagay ang gadgy na ito para sa mga batang katulad ko. Ito ang in sa mga bata ngayon. Di ka lang nakakalaro, nakaka-internet din ito.

  5. Paypal Credits

    Kailangan ng bata ang paypal credits upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa internet. Para sa donasyon, maaring i-click ang button sa ibaba.





Yun po ang mga mumunting kahilingan ni Batang Yagit ngayong kapaskuhan. Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

» Subscribe to Batang Yagit’s Posts
» Follow Batang Yagit on Twitter

Batang Yagit