Shortage sa bigas
April 10, 2008 | Author: Winston | Filed under: Rants
Visited 434 times, 10 so far today
Minsan lang akong nanonood ng TV. Isa sa mga minsang ito ang panonood ko ng telebisyon kagabi. Sinabi sa TV, may shortage daw sa bigas. Nagulat ako nung pinakita na tumaas ang presyo ng bigas sa P37 mula P25 isang kilo. Shocking diba?
Kahit na totoong may shortage sa bigas ang ating bansa, hindi ko pa rin nadarama ang krisis na sinasabi nila. Nakakadalawang cup ng rice pa rin ako sa tuwing kakain ako sa labas. Kanina nga lang habang kumakain kami ng lunch, napag-usapan namin ang topic na ‘to. Kagaya ng mga kasama ko, hindi rin nila nafefeel ang kakulangan ng bigas.
Isang dahilan kung bakit hindi ko pa rin nafefeel ang kakulangan ng bigas, hindi pa rin tumataas ang presyo ng extra rice. Ako yung tipo ng tao na hindi inuubos ang ulam hanggat hindi nauubos ang extra rice. Lima hanggang siyete pesos pa rin ang presyo ng extra rice sa mga fast food dito sa Davao. Sa KFC naman, 12 pesos pa rin ang benta nila.
At eto pa, uso pa rin dito sa Davao ang unlimited rice. Sa P15, may unlimited rice ka na. Pagsasawaan mo ang napakaraming kanin. Ganito ang gimik ng mga barbeque restaurants dito sa Davao. Hindi nila pinapansin ang mga shortage na sinasabi sa TV.
Kayo, nadama niyo ba ang shortage sa bigas?
Niyari ang post na ito sa Microsoft Live Writer. Photo credits to http://www.tropicalisland.de/vietnam.html
Related Posts
Popular Posts
- Living the Bisaya way - My first week in Cebu (48)
- I want to meet bloggers from Cebu (29)
- Bagong blog, bagong disenyo (26)
- Barbeque at Larsian's (25)
- Sino ang kamukha ng taong 'to? (23)
Tagged with: bigas, crisis, food, goverment, national issue, news, rice, rice shortage
feel free to leave a comment
Comment Guidelines: Basic XHTML is allowed (a href, strong, em, code). All line breaks and paragraphs are automatically generated. Off-topic or inappropriate comments will be edited or deleted. Email addresses will never be published. Keep it PG-13 people!
XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
All fields marked with " * " are required.


















































9 people have left comments
ahmmmmmmmmm… di ko nadama.. hehehe
di kasi ako kumakain 
Uhm, hindi ko naman nadarama na may kakulangan na pala tayo ng bigas. Naririnig ko lang ito sa telebisyon (special thanks to TV Patrol).
Hindi naman kasi ako madalas kumakain ng rice eh; isang beses lang sa isang araw. Sa hapunan ko lang iyon kinakain.
breakfast: tulog pa ako
lunch: 2 na magigising kaya gatas nalang ang iniinom
dinner: regular meal
midnight snack: spaghetti and milk
kahit ako, hindi ko pa nadarama. yung mahihirap nating kababayan ang nakadarama nito, kasi nga, ang mahal na ng bigas. kung isang kahig, isang tuka lang sila, kailangan nilang pumila araw-araw makabili lang nang murang bigas from NFA. damang dama nila ang asenso.
@marhgil: nakakalungkot ngang isipin na ganun ang nangyayari. Ang mga taong nagbubungkal ng lupang pagtataniman ng bigas ang siyang lalong nahihirapan sa mga pangyayari.
for me i can’t say na hindi ko nadama…
but i’m very much aware kasi doon sa kinakainan ko 6pesos lang talaga un rice namin tapos ngayon naging 7 na so nadama ko siya then again the usual parin un kain ko ng bigas kung gano kadami noon ganon parin ngayon
walang diet effect ^_^
at alam ko po un kilo ng bigas dati eh around 25 pesos lang ngayon 33 pesos na po so aware mo ako
yun lang
bow
sana naman ma publish na etong comment na eto
nako pow!!!
@winston - oo nga.. naiiyak ako..
[...] Shortage sa bigasApril 10, 2008… [...]
There’s definitely no shortage on rice!
Nadama yata ng parents ko ang pagtaas ng presyo… Pero ang shortage? Haller…
Ginagawa lang itong issue para “makalimutan” natin ang ZTE churva echus. Basic need ito so big deal at dapat lang na pag-usapan kung tataas ang presyo nito. Anjan lang ang bigas natin… Ilabas niyo na! Hehehe… =P
Oh well.. Di ko nadama eh.
Diet daw kase ako.. penitensya..
so no rice muna. kase daw low-carb diet muna ako…