Shortage sa bigas

Minsan lang akong nanonood ng TV. Isa sa mga minsang ito ang panonood ko ng telebisyon kagabi. Sinabi sa TV, may shortage daw sa bigas. Nagulat ako nung pinakita na tumaas ang presyo ng bigas sa P37 mula P25 isang kilo. Shocking diba?

Kahit na totoong may shortage sa bigas ang ating bansa, hindi ko pa rin nadarama ang krisis na sinasabi nila. Nakakadalawang cup ng rice pa rin ako sa tuwing kakain ako sa labas. Kanina nga lang habang kumakain kami ng lunch, napag-usapan namin ang topic na ‘to. Kagaya ng mga kasama ko, hindi rin nila nafefeel ang kakulangan ng bigas.

Isang dahilan kung bakit hindi ko pa rin nafefeel ang kakulangan ng bigas, hindi pa rin tumataas ang presyo ng extra rice. Ako yung tipo ng tao na hindi inuubos ang ulam hanggat hindi nauubos ang extra rice. Lima hanggang siyete pesos pa rin ang presyo ng extra rice sa mga fast food dito sa Davao. Sa KFC naman, 12 pesos pa rin ang benta nila.

At eto pa, uso pa rin dito sa Davao ang unlimited rice. Sa P15, may unlimited rice ka na. Pagsasawaan mo ang napakaraming kanin. Ganito ang gimik ng mga barbeque restaurants dito sa Davao. Hindi nila pinapansin ang mga shortage na sinasabi sa TV.

Kayo, nadama niyo ba ang shortage sa bigas?

Niyari ang post na ito sa Microsoft Live Writer. Photo credits to http://www.tropicalisland.de/vietnam.html