Street Kid look
Noong isang linggo lamang ay kinukulit ako ni Micamyx na ipakita ang mga larawan ko noong ako’y mukhang yagit pa. Para pagbigyan ang kanyang kahilingan, eto ang ilan sa mga larawang nakita ko sa aking computer kanina.

Kuha ito noong ako’y nasa 2nd year sa hayskul pa lang. Ito ata yung field trip namin sa Biology. Kinuha ang larawang ito sa Crocodile Farm. Medyo weird pa ang itsura ng Crocodile Farm ng mga panahong ito. Parang pig farm yung itsura niya. Sa likuran ko ata yung bahay ng pinakamalaking buwaya.
Nakakatuwa kasi ang payat payat ko pa noong mga panahong ito. At ang hilig hilig ko ring magsuot ng mga t-shirt na malalaki. Kung titingnan sa malayo, para akong naglalakad na hanger. Parati ko ring suot sa aking likuran ang blue bag na yan. Hawk gear yan noong ako ay nasa 1st year pa lang. Medyo natagalan bago ako nakapagpalit ng bag.

Eto naman yung picture ko after 1 year. Sa harap ng Kalayaan Hall sa UP kinunan ang picture na ‘to nung umattend kami ng isang science event sa UP Diliman. Kasama ko dito ang mga classmates ko sa hayskul. Eto rin yung first time sumakay ako ng eroplano, umalis ng Mindanao, at pumunta ng Maynila. Fifteen years old pa lang ako neto.
Isang linggo ang pinunta naming event pero three days ko lang na-enjoy. Pano ba naman, eh bago ako umalis ng Davao, hinawaan ako ng kapatid ko ng Chicken Pox. So I spent few more weeks in Manila hanggang sa gumaling yung pox ko. Nagsi-uwian na lang yung mga teachers at classamtes ko samantalang ako ay nagpapagaling ng chicken pox. Magbabarko sana kami pauwi kaso nung sasakay na sana ako, hindi pumayag ang shipping line kasi baka raw mahawa ng chicken pox ko ang ibang pasahero. Kaya, nagpaiwan ako ng higit isang linggo.

Etong huling larawan naman ay kinuha noong nasa third year college na ako. Hahaha. After 4 years since nung larawan na nasa itaas. Kinuha ito noong pumunta kami ng mga kaklase ko sa Iligan City para sa isang convention ng mga ECE. :D Parang walang pinag-kaiba. Patpatin pa rin ako. :P


hahaha! mukha ka pang fetus! nyok :D
oo nga. hahahaha :P
TOTOY YAGIT :P
Haha ang cute naman nito. Sana may part 2 pa LOL
Natetempt ako gumawa ng ganitong entry pero nagawa ko na ata dati lolz
nyok. maghahanap pa me ng photos ko. hahahaha. sa college naman. hahahaha
Ang cool. Nasa pic ang Kalai (Kalayaan Residence Hall) — ang dorm ko ngayon.
Ang panget mo pa noon, hon. Ngayon, medyo panget na lang.
baliktad tayo.. ako nung bata sobrang taba, nakikipagaway pa nga ako kapag inaasar na baboy.. tapos ngaung tumanda na patpatin!
mataba rin me nung maliit pa ako. pero nung nag-umpisa akong mag-aral, di na me uli tumaba. hehehe
Ganyan na ganyan din ako nung 15 ako. amf. ampayat to the max! :P
oo koya. nakita ko pic mo dati. :P
ROFL-ing. :D The photos really made me LOL. Peace, winston.
hahahaha. lols.
when i was 15, cute ako.. ngayon, hindi na! lols…
lols :P
Ok lang yan, batang yagit. ako rin eh, patpatin like you, even kain ng kain di pa rin lumalaki. Good Luck sayo a.
hahaha. tumataba na ako. :D hehehe.
Very interesting pics from “fetus” to manhood. :)
still a kid here. :D
:lol: :lol: omg hahaha! kaw yan, natatawa aku sa last pic yung may shades. nagbraces ka ba dati?
hahaha. di ako nagbraces. :P bat ka naman natawa sa pic na yan? hehehe
si Batang Yagit Pala ay JepRoks dati.
Hippie Rakista
weeeeeeeee! hanep ang dating mo wins ah.. hehe.. ayus….
maspayat ako ng nasa hs ako. haha. naremember ko tuloy mga araw na yun na mga yagit pa tayo kung ituturing. haha
hahaha. oo nga. teheee
haha, ayus lgi ni imu blog bai. haha.. keep it up!
told you. it’s not my blog. amf