Batang Yagit para sa PBA Bloggers’ Choice Award
September 16, 2008
Ako po si Batang Yagit, isang blogger na taga-Mindanao (Davao City). Ako po ay natutuwa sa pagkakapasok ko bilang nominee sa Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice Award. Ito ang pangalawang nomination ko para sa PBA 2008.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ako ng email galing sa mga organizers ng PBA na nagsasabing nanominate ang Digital Puto blog ko para sa Photo Blog na category. Mas higit kong ikinagalak nang malaman kong nakapasok ang Batang Yagit sa mga finalist para sa Bloggers’ Choice Award. Yayks. For the Win ang yagit.
Marami rin sa mga kakilala ko ang nakapasok sa nomination. Kung marami lang kaming mga yagit nag nagblo-blog, pakikiusapan ko ang lahat ng yagit sa world na iboto ang mga kakilala ko. Tsk tsk tsk. Pero dahil nag-iisa lang ako, ibibigay ko ang aking boto kay “Batang Yagit”.
“Wala pang yagit na nanalo ng award, sana ako ang una”.