You Got Blogged: Jemme

May mga katanungan ba kayo? May mga bagay ba na gumagambala sa inyong mga isipan? Huwag nang malito. Itanong mo kay Jemme.

Ilan lamang yan sa mga katanungang hindi kayang sagutin ng Wikipedia, Google at Yahoo! Answers. Mga tanong na gumugulo sa isipan ng bawat Pilipino. Mga katanungang hindi natin nahahanapan ng solusyon.

Noong buwan ng Abril, ginambala ni Jemme Putchir ang mga Pinoy Bloggers sa kanyang mga nakakatuwang mga entries. Sa kakaunting panahong nasa internet ang Itanong mo Kay Jemme, daang-daang tao ang napasaya nito. Kaninong tiyan ba ang hindi sumakit sa katatawa matapos basahin ang post na What is your most unforgettable experience?

Frustration ko ang maging isang singer. Gustong-gusto kong magGYM pero tamad ako kaya hanggang gusto lng ang nagagawa ko. Plano kong maging isang Astronaut at makarating sa … GERMANY?!

Si Jemme o mas lalong kilala bilang Kuya Jemme ay isang tubong Mindanao na kasalukuyang nagtratrabaho sa Metro Manila. Bata, matanda, may ipin o wala, wala siyang hinihindian na katanungan…maging sino ka man.

Nasubukan ko na ring magtanong kay Kuya Jemme.

Bakit araw ang tawag sa araw at araw ang tawag kung hindi gabi?

Kahit na medyo natagalan ang pagsagot ni Kuya Jemme sa aking katanungan, nabigyan naman niya ito ng liwanag sa kanyang kasagutan. Sino ba ang hindi natuwa sa mga ala-lola basyang na kwento niya? Sa mga Jemme-Putchir-Theory-of-Un-Realities? Sa mga nakakatuwang kasagutan sa ating mga katanungan? (Heneroso, ikaw lang ba ang hindi?)

Isang nakakatuwang bagay din sa blog ni Kuya Jemme ay yung mga napaka-cute na mga smileys. Isang (o maramihang) tunay na imahe ng pagiging masayahin ni kuya jemme.

Sa kabila ng mga dagok sa buhay nating mga Pilipino, may isang taong nananatiling malakas upang bigyan tayo ng kasiyahan. Sa bawat katanungang sinasagot ni Kuya Jemme, taglay nito ang masusing pananaliksik sa mga kasagutan at kung papaano ito maihahayag sa nakakatuwang kaparaanan. Kaya Kuya Jemme, magpatuloy ka sa pagbibigay ng kasiyahan.

This blog supports Wika 2007.

This is an entry to the
You Got Blogged!
DigitalFilipino.com / MindanaoBloggers.com Review-a-Blog Competition
.

Join the DigitalFilipino.com Club!

On 27 October 2007, come to Davao City for the
1st Mindanao Bloggers Summit!